By

Stranded kay ‘Salome’, nabawasan sa pantalan

Sharing is caring!

Nabawasan ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan habang unti-unting lumalayo sa Pilipinas ang bagyong Salome.

Sa huling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 312 ang bilang ng mga pasaherong naipit sa mga pier sa Southern Tagalog Region.

Apat na barko naman ang hindi nakapaglayag na nakaapekto sa biyahe ng 53 rolling cargo.

Sa pinakahuling bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyong Salome ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.

Wala na ring lugar sa bansa na nasa ilalim ng babala ng bagyo na kumikilos pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?