21

Feb 13, 2018 @ 11:45
By

Stranded dahil sa bagyong Basyang, umabot na sa 3K

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na pumalo na sa 2,704 ang mga naistranded na pasahero; 366 na rolling cargoes; 62 vessels at dalawang motorbanca dahil sa bagyong Basyang.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ang pinakamaraming pasahero na nabalam ang biyahe ay sa Negros Oriental na umabot sa 963, sinundan ng Bacolod na 263, at sa Leyte na umabot lamang ng tatlo.

Paliwanag ni Balilo, dahil sa sama ng panahon ay pinagbabawalan nila ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat na pumalaot upang maiwasan ang anumang aksidente sa karagatan.

Giit ni Balilo, pinapayuhan ang lahat ng PCG units na tiyaking mahigpit na ipatutupad ang panuntunan sa galaw ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang lagay ng panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?