51
views
delfin-lorenzana
By

Stop patrol order ni Duterte sa WPS, itinanggi ni Lorenzana

Sharing is caring!

MARIING itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pahayag ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang pagpapatrulya sa pinag aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Pinagdiinan ni Lorenzana na walang utos si Pangulong Duterte at ito din ang sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo.

Sinabi pa ni Arevalo na nagpapatuloy ang kanilang pagpapatrulya sa pagsasabing, “ “For the record, there is no such order coming from the Commander-in-Chief. As a matter of fact, our maritime and aerial patrols continue-contrary to such information allegedly received by the partlylist congressman.”

Samantala, tumanggi naman na kilalanin ni Alejano ang nagbigay sa kanya ng ‘classified information,’ ngunit aniya ang mga ito ay mga opisyal sa Malakanyang at AFP.

Sinabi na lang ni Alejano na ang kanyang mga sources ay pumalag sa sinasabing utos ni Pangulong Duterte.

“Isn’t that an impeachable offense,” hirit pa ng mambabatas. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?