55
Stockton mainit, FEU nambingwit
By ,

Stockton mainit, FEU nambingwit

Mga Laro sa Martes:
(Paco Arena)
2 PM – AMA Online Education vs. McDavid
4 PM – CEU Scorpions vs. Diliman – Gerry’s Grill

Inilampaso ng Cha Dao-Far Eastern University Tamaraws ang SMDC-National University Bulldogs 84-62 sa PBA Developmental League, Lunes sa Paco Arena sa Maynila.

Simula pa lang ay umalagwa na agad ang Tamaraws at sinimulang suwagin ang Bulldogs nang irehistro nito ang 21-8 na kalamangan sa first canto at pumasok sa halftime bitbit ang 45-23 na advantage.

“Well of course it’s a good start for us but more than anything, ang kinukuha talaga namin dito sa D-League is exposure for our players especially our bigs,” wika ni coach Olsen Racela.

“They rose to the challenge today against the bigs of NU. Yun ang kulang namin ngayon eh, kasi six players graduated sa amin – si Prince (Orizu), Richard (Escoto) saka si Arvin (Tolentino) – so, kailangan talaga namin ‘yung exposures for the bigs and they step up.”

Pagpasok ng dalawang huling quarter, mas lalo pang nag-init ang Tamaraws ang nagpatuloy ang pag-ariba nito sa tulong ni Alec Stockton may 15 puntos at dalawang rebounds at si LJ Gonzales na may 12 puntos sa kanyang pangalan.

Bumakas din para sa tropa Branrey Bienes at Kenneth Tuffin ng tig-11 puntos at siyam na puntos ang ambag ni Patrick Tchuente.

Sunod na makakaharap ng tropa ay ang Valencia City – San Sebastian, na nasungkit din ang una nitong panalo kontra Marinerong Pilipino, at para kay Racela wala siyang inaasahan sa larong ito.

“No expectations, we’re here to really to get exposures for the players that’s another opportunity for us to get better especially San Sebastian na coming off the win, matapos ang kumpiyansa nila. And it’s always nice to play NCAA teams,” panapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?