29

Jan 26, 2021 @ 19:31
By

Stockton kakatok sa PBA

Sinakripisyo ni FEU Tamaraw Alec Stockton ang final season nito sa Morayta-based squad nang mapabalitang nagpasa ito ng aplikasyon sa PBA Draft.

“Looking forward to the next chapter in my journey. With God’s grace, I am ready for the future,” anunsyo ni Fil-Am guard sa kanyang Instagram post.

Aniya’y bibitbitin rin niya ang kanyang mga natutunan sa FEU para makasabay sa pambansang liga.

“There’s a new path for me to take and I carry with me all the learnings from everyone in FEU.”

Patas naman ang pinakita nitong stats sa nakaraang UAAP season 82 nang maglista ito ng average na 5.1 points, 2.1 assists at 1.7 rebounds sa loob lamang ng 16 minutong paglalaro sa court.

Kabilang rin ang 22-anyos cager sa batch ng Tamaraws na umakyat sa stepladder semis nitong Season 82. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?