25

Jun 19, 2021 @ 10:26
By

STL teller pinagtataga sa Davao del Sur

Nasawi ang isang teller ng small town lottery (STL) outlet sa Barangay New Baclayon, Malalag, Davao del Sur matapos pagtatagain ng isang menor de edad, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, nagtutulog sa kanyang bahay ang biktimang si Antonio Relatado Torreon, 27, nang pasukin ng suspek na kinilala lamang sa pangalang “Kentoy”, na 16-anyos pa lamang.

Biglang pinagtataga ng suspek ang biktima gamit ang isang karit.

Nadakip si “Kentoy” sa isinagawang manhunt operation ngunit dahil sa pagiging menor de edad ay dinala siya sa Women and Children’s Desk ng Malalag PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?