28

Oct 12, 2017 @ 10:32

Steven Seagal, magsu-shooting sa Pinas

NASA bansa ngayon ang Hollywood action star na si Steven Seagal para mag-location hunting at suportahan na rin ang advocacy ng Miss Earth 2017 pageant. Dumalo sa welcome party para sa mga delegates ng Miss Earth ang 65-year-old actor kasama si former Gov. Luis ‘Chavit’ Singson of Ilocos Sur.

Baka maging co-producer din si Singson ng naturang movie ni Seagal. Naimbitahan din si Seagal na maging isa sa judges ng Miss Earth 2017 on November 4 sa MOA Arena.

Ayon sa producer na si Lorraine Schuck: “He’s a long-time friend of ours because he is a staunch supporter of the environment. He has been campaigning for the protection of Mother Earth since 1990s.”

Heto ang sinabi ni Seagal sa kanyang short welcome remark sa 80 candidates ng Miss Earth 2017.

“I think that if everybody keeps that in heart, this event becomes a magnificent event in the world. Something that we will also be tremendously proud of.”

Nakilala si Seagal dahil sa blockbuster films niya na Above the Law, Hard to Kill, Marked for Death, Marked for Justice, Undersiege, at On Deadly Ground. (RUEL MENDOZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?