37

Dec 22, 2017 @ 16:12

Steve Nash, Jason Kidd babandera sa Basketball Hall of Fame

Nakahilera bilang mga nominado sina two-time NBA MVP Steve Nash, guard Jason Kidd, Grant Hill at Ray Allen na kabilang sa anim na kandidato sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.

Nakapasa naman sa listahan sina Detroit Pistons’ Chauncey Billups at Richard Hamilton matapos maiba ang rules at payagan ang mga players na tatlong taon nang nagretiro na makasama sa balota.

Inanunsiyo ito nitong Huwebes (Biyernes, Manila time) sa anibersaryo ng pagkakatatag dito ni James Naismith.

Kasama rin sa balota sina Steve Fisher at Bob Huggins.

Ninomina naman ng women’s committee sina dating WNBA stars Becky Hammon, Tina Thompson at Katie Smith.

Papangalanan ang mga nakasama sa Hall of Fame class of 2018 sa NCAA Final Four sa San Antonio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?