5

By

Steve Nash bagong NBA Hall of Famer

Sharing is caring!

Opisyal nang naisama ang pangalan ng isa sa pinakamalupit na pure point guard na naglaro sa National Basketball Association (NBA) na si Steve Nash sa Hall of Fame nitong Sabado, Setyembre 8 sa Pilipinas.

Nagsimula ang karera noong 1996, pinatunayan ng ngayong 44-anyos na hindi kinakailangang maging sobrang bilis o tangkad para mamayagpag sa mundo ng basketball.

15th overall pick sa 1996 NBA Draft, naging impresibo ang kanyang karera sa international league sa nakamit na two-time NBA MVP, eight-time All-Star at five-time assist leader.

Sumikat si Nash sa koponan na Phoenix Suns at Dallas Mavericks kung saan naigiya niya ito sa ilang playoff appearances.

Nagretiro si Nash noong 2015 sa Los Angeles Lakers at ngayo’y may dalawang championship bilang consultant sa Golden State Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?