13
steve-harvey
By

Steve Harvey pa rin sa Miss U 2018

Sharing is caring!

Ang game show host at comedian na si Steve Harvey pa rin ang magiging host ng 2018 Miss Universe na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa December 17, 2018.

In-announce ito officially ng FOX noong nakaraang week.

Nakilala ng buong mundo ang 61-year old comedian/TV host noong basahin niya ang maling winner noong 2015 Miss Universe sa Las Vegas. Na-announce niya na Miss Universe si Miss Colombia Ariadna Gutierrez, pero isang minuto ang nagdaan nang bigla siyang bumalik para itama ang kanyang pagkakamali dahil si Miss Philippines, Pia Wurtzbach, ang nakasulat na winner ng korona sa kanyang cue card.

Malapit na ngang magtapos ang reign ng current Miss Universe na Demi-Leigh Nel-Peters from South Africa at excited na raw ito sa kung sino ang magiging successor niya.

“The Miss Universe competition provides women from all walks of life and all corners of the globe the opportunity to represent their countries and share their ambitions, perspectives and personal experiences on an international stage.

“Becoming Miss Universe changed the course of my life. And I look forward to seeing which amazing woman will benefit next!” sey pa ni Demi-Leigh.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?