23

Apr 21, 2021 @ 21:51
By

Steve Harvey hindi host sa Miss Universe 2020

Naputol ang hosting stint ni Steve Harvey sa Miss Universe pageant.

Hindi siya ang magho-host sa 69th Miss Universe Competition na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States sa May 16 (May 17 sa ‘Pinas).

Ang aktor na si Mario Lopez at dating Miss Universe na si Olivia Culpo ang napiling host, ayon sa announcement ng organisasyon sa Instagram.

Nag-comment doon si Harvey at sinabing: “I’ll miss you guys — but I’ll see you for the 70th!”

Simula nang lumipat sa Fox noong 2015, sunud-sunod na taong naging host si Harvey ng Miss Universe.

Nakilala siya dahil sa maling anunsyo ng nanalo sa Miss Universe 2015, na imbes si Miss Philippines Pia Wurtzbach ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang dineklara niyang winner, kalaunan ay binawi niya ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?