15

Jul 22, 2021 @ 18:18
By

Steve Harvey, balik-host ng Miss U

Magbabalik si Steve Harvey bilang host ng 70th Miss Universe sa Disyembre.

Ayon sa tweet ng reporter na si JP Soriano, kinumpirma na ito ng Ministry of Tourism ng Israel – ang bansa kung saan gaganapin ang naturang pageant.

Tumatak noon si Harvey sa Miss Universe 2015 kung saan namali ang naanunsyo niyang pangalan ng nagwagi sa pageant – kung saan tinanghal na Miss Universe ang Pinay na si Pia Wurtzbach.

Sa kabila nito, noong 69th edition ng pageant na ginanap noong Mayo ay hinanap ng mga manonood ang presensya ni Harvey dahil hindi raw energetic at entertaining ang mga naging host.

Wala pa namang eksaktong petsa ang Miss Universe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?