44

Stephen Hawking pumanaw sa edad na 76

Sharing is caring!

Namatay na ang British award-winning scientist na si Stephen Hawking nitong Miyerkoles ng umaga.

Siya ang may-akda ng ilang kilalang science books kabilang na ang “A Brief History of Time”.

“We are deeply saddened that our beloved father passed away today,” ayon sa mga anak niyang sina Lucy, Robert at Tim.

“He was a great scientist and an extraordinary man whose work and legacy will live on for many years.”

Ipinanganak noong Enero 8, 1942 sa Oxford, England si Hawking.

Nag-aral siya sa Oxford University noong 1959 bago napunta sa Cambridge.

Ang libro niyang “A Brief History of Time” noong 1988 ay nakapagbenta ng 10 million copies sa buong mundo.

Sa edad na 21-anyos noong 1963, na-diagnosed siyang may debilitating motor neuron disease amyotrophic lateral sclerosis.

Binigyan ng taning na dalawang taon ng mga doktor si Hawking pero naka-survive siya ng ilang dekada.

Gumamit si Hawking ng wheelchair para makakilos at computer system para makapagsalita.

Hindi sinabi ng kanyang pamilya ang kinamatay nito pero anila: “He died peacefully” sa kanilang bahay sa Cambridge, England.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?