38

Sep 19, 2021 @ 13:25
By

Stephen Curry, misis rumampa sa Met Gala

Hindi lang mga big star mula Hollywood ang dumalo sa taunang Met Gala na ginaganap sa New York.

Maging ang ilang atleta kasi ay dumalo rin dito.

Halimabwa na rito si Golden State Warrior superstar Stephen Curry.

Kasamang rumampa ni NBA star ang kanyang misis na si Ayesha.

Maging si Russell Wesbrook ay pumorma rin sa naturang ball.

Ilan pa sa mga dumalo ang Olympic athletes na sina Naomi Osaka, Tom Daley, at Simone Biles.

Ginanap ang naturang event sa Metropolitan Museum of Art, NY na may temang ‘In America: A Lexicon of Fashion.’ (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?