By

Stephen Curry dismayado sa panibagong injury

Sharing is caring!

Hindi pa pinagpapawisan ‘ika nga si Stephen Curry pagbalik mula injury, heto at nakatengga na naman siya.

Absent si Curry nang tumikim ang Golden State ng 125-106 loss sa Los Angeles Clippers noong Miyerkoles.

Naging second youngest NBA player si Kevin Durant na umabot sa 20,000-point club, pero hindi niya naisalba ang Warriors na nakalsuhan ang 13-game winning streak sa Clippers.

Unang salang lang din iyon ni Durant mula tatlong larong pagliban dahil sa strained right calf.

Sa shootaround ng umaga bago hinarap ang Clippers, na-sprain muli ang kanang paa ni Curry.

Hindi niya masigurado kung ano ang nangyari, pero may hinalang nakatapak siya ng wet spot sa court at nadulas. “Freak accident” daw, aniya.

“I was just doing my normal shooting routine, and just stepped on the floor and twisted my ankle,” ani Curry.

Ang kanang paa din niya ang na-sprain noong Dec. 4 sa laro kontra New Orleans. Nawala ng 11 laro si Curry dahil sa injury, nakabalik noong Dec. 30 kontra Memphis.

Hindi naman siya sumailalim sa MRI o X-ray, pero dismayado si Curry.

“Nothing serious, just obviously frustrating,” aniya.

Umaasa si Curry na makakabalik na sa Sabado (Linggo sa Manila) laban sa Toronto.

May posibilidad ding lumaro siya kontra Milwaukee, maliban kung hindi siya payagang magsuot ng sapatos ni Warriors trainer Chelsea Lane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?