16

By

Stephen Curry bibisita muli sa Pinas

Sharing is caring!

Bibisita muli sa Pilipinas ang NBA superstar na si Stephen Curry para sa kaniyang fourth Asian Tour ng apparel firm Under Armour sa Setyembre.

Nakatakda ng September 6-8 ang three-day tour ang Golden State Warriors guard sa bansa.

Matatandaang unang bumisita ang basketbolista noong 2015 dala-dala ang NBA Championship title ng Warriors.

Ngayon taon ay magbabalik si Curry bitbit ang titulong three-time NBA Champion at two-time MVP.

“I can’t wait to return to Asia with Under Armour and celebrate our third title with my fans in the Philippines, China, and Tokyo,” sabi ni Curry sa isang interbyu.

“Coming back to Manila and Tokyo again is exciting, as my previous experiences were so much fun there. And getting a chance to go to Wuhan for the first time, to learn about the rich culture of the city and meet the next generation of basketball players determined to blaze their own trail — its going to be incredible.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?