47

Dec 20, 2017 @ 14:35

Stephen Curry absent pa rin sa Warriors-Cavs rematch sa Pasko

Hindi pa rin makakalaro sa NBA Finals rematch ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa darating na Pasko si Stephen Curry dahil hindi pa ito lubos na nakakarekober sa tinamong pinsala sa bukung-bukong.

Inanunsiyo ng Warriors nitong Miyerkules na tuloy naman ang paggaling ni Curry at makakapraktis na sa basketball court sa mga susunod na araw.

Ngunit nakatakdang sumailalim pa ulit sa pagsusuri si Curry kaya’t hindi pa rin makikita sa rotasyon ng Golden State sa Pasko.

Natamo nito ang pinsala sa laban nila kontra New Orleans Pelicans noong Disyembre 4.

Binabagabag ng injured players ang Warriors na haharap sa Memphis Grizzlies sa Miyerkules (Huwebes, Manila time).

Nasa listahan din ng injured sina Draymond Green, Zaza Pachulia at Shaun Livingston.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?