38

By

Steph Curry present sa UAAP 81 opener

Sharing is caring!

Pinangunahan ni three-time NBA Champion Stephen Curry ang panunumpa ng mga atleta sa ginanap na pagbubukas ng UAAP Season 81 sa Mall of Asia Arena nitong Sabado, Setyembre 8.

Kasama ni NBA superstar Curry sina UAAP President Dr. Nilo Ocampo at UAAP Board of Trustees chairman Dr. Rj Ermita.

Nirepresinta ng iba’t ibang atleta ang mga kasaling eskwelahan na Ateneo De Manila University, De La Salle University, National University, University of the East, Adamson University, University of the Philippines, University of Sto. Tomas at Far Eastern University.

Nag-perform din ang bandang Sponge Cola, James Reid at Minzy mula sa dating girl group na 2NE1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?