207
Steph Curry pinalibutan ng hubo’t hubad na kalalakihan
By

Steph Curry pinalibutan ng hubo’t hubad na kalalakihan

Hindi natagpuan si Stephen Curry sa NBA All-Star festivities na Rising Star challenge at Celebrity Game sa Charlotte, Sabado ng umaga, oras sa Pilipinas.

Ito ay sa kadahilanang mas pinili nitong suportahan ang kanyang dating collegiate team na Davidson Wildcats sa laban kontra St. Joseph Hawks sa NCAA Atlantic 10.

Sa nasabing laro, naispatan si Curry na kasama ang ilang lalaki na supporter ng Wildcats, na nakasuot lang ng Speedo underwear at game na nagpa-selfie sa two-time NBA MVP.

Nagbunga naman ang inindang lamig ng mga ‘wild’ supporter ng Davidson matapos magwagi, 80-72.

Asahan naman ngayong araw ang partisipasyon ni Curry sa All-Star, sasalang sa NBA three-point shootout contest kalaban ang kanyang kapatid na si Portland guard Seth Curry, maging ang defending champion na si Phoenix Suns star Devin Booker.

Matapos ay sabak sa NBA All-Star game ang three-time NBA champion para sa Team Giannis, makakalaban ang kanyang kakampi sa Golden State Warriors na si Klay Thompson na pinili ni LeBron James sa kanyang koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?