108

By

Steph Curry ‘pinahiya’ ng Pinoy chikiting

Sharing is caring!

Marami nang nilusutan, pinaluhod at pinadapang NBA player si Stephen Curry sa kanyang karera, ngunit isang bata ang pambihirang minani ang depensa ng three-time NBA champion.

Sa video na viral ngayon sa social media, padribol-dribol lang ang bata habang nakabantay si Curry, biglang pinalusot ang bola sa gitna ng mga paa ni idol at libreng naka-shoot malapit sa ring.

Napag-alaman na ang bata ay si Justine Remo, isang 13-anyos mula Bulacan na talagang iniidolo si Curry.

Napaluha ang bata ng kanyang makaharap si idol at binigyan pa siya ng sapatos at t-shirt na talaga namang ikinatuwa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?