52

Mar 21, 2018 @ 15:09
By

Steph Curry may basbas na ng doktor, balik praktis na

Sumailalim ulit sa ebalwasyon ng doktor si Warriors star Stephen Curry nitong Martes at maganda umano ang progreso nito.

Binigyan na ng clearance ang 4-time MVP mula sa injury niya sa kanang bukung-bukong para makapagsimula na ng ensayo sa Miyerkoles.

Iho-host ng Golden State ang Atlanta sa Biyernes, sakaling magtuluy-tuloy ang kalagayan ni Curry, maaari na siyang maglaro kontra Hawks o sa Linggo laban naman sa Utah.

Napilipit ni Curry ang bukung-bukong niya habang pa-layup sa first quarter ng panalo nila versus Spurs noong Marso 8.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?