39

Mar 5, 2020 @ 19:03
By

Steph Curry balik-aksyon na

Muli nang masisilayan sa hardcourt ang two-time NBA MVP na si Stephen Curry.

Ayon sa pahayag ng Golden State Warriors, sasalang na sasalang na sa aksyon si Curry kontra Toronto Raptors sa Biyernes, oras sa Manila.

Ito’y matapos magkaroon ng tama ang kaliwang kamay noong Oktubre na naging dahilan para mabakante ito ng 58 laro.

Nag-average ito ng 20.3 points, 6.5 assists at 5.0 rebounds ngayong season bago na-injure.

Nakiensayo muna ito sa G-League team na Santa Cruz Warriors bago pasabakin sa NBA.

“I’m very excited. I feel like everybody is,” ayon sa bagong kampi nito na si Andrew Wiggins.

“He’s the type of player that single handedly he’s going to come and change the way everyone plays for the better. So, I’m excited. He’s a game-changer.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?