40

Dec 29, 2020 @ 21:31
By

Staycation ‘di puwede sa mga quarantine hotel – DOT

Nagpaalala si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa mga hotel na akreditado nila at ginagamit na quarantine facility na hindi maaaring tumanggap ang mga ito ng mga staycation guest.

Ito’y matapos makatanggap ang DOT ng mga report na ilang quarantine hotel ang walang pakundangang tumatanggap ng mga bisita na bakasyon o pananatili ang layunin.

Maliban sa pagtanggap ng mga bisita, pinagbabawal din sa mga quarantine hotel na magbukas ng kanilang mga spa, bar, gym at mga katulad nito.

Batay sa DOT Administrative Order 2020-002, ilang piling hotel sa Metro Manila ang inisyuhan ng Certificates of Authority to Operate bilang quarantine facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?