By

‘Status’ ng lovelife ng DepEd personnel, idinaan sa kulay ng damit

Sharing is caring!

Sa kulay ng suot na damit malalaman ang status ng lovelife ng mga kawani ng Department of Education (DepEd) sa Bicol Region ngayon Valentine’s Day.

Sa memorandum ni DepEd Region 5 Director Ramon Abcede, hinikayat ang lahat ng opisyal at tauhan sa regional office na sumunod sa dress code at ibatay ang kulay ng kanilang damit base sa status ng kanilang lovelife.

Nakasaad sa memorandum ang sumusunod na color code para sa damit:

· Red – In love o committed

· White – single at available

· Pink – naghahanap pa lang

· Black – walang love life

· Yellow – just marriage o engaged

· Violet – still hurting

· Blue – moving on

· Green – bitter

· Brown – available but will not commit

· Uniform – walang pakialam o kill joy

Sa Naga City naman, naglabas din ng memorandum si Mayor John Bongat para sa dress code sa kanilang mga kawani at hinugot pa sa titulo ng ilang kanta ang relationship status.

· Red – taken

· Black – taken for granted

· Pink – strike everywhere

· Green – solo for life

· White – like a virigin

· Brown – pusong bato

· Gray – tuliro

· Yellow – waiting since birth

· Orange – nakagulpi na

· Polka Dots – nagulpi na

· Stripes – low bat

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?