192
Antonio Trillanes
By

Stats ni Trillanes sa Davao, imbento lang – PNP

Sharing is caring!

Gumagawa lamang ng sariling statistics si Senador Antonio Trillanes IV sa pahayag nitong ang Davao City ang pinakadelikadong lugar sa Pilipinas.

Ito ang naging tugon ni Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Police Director Camilo Cascolan sa patutsada ng senado, batay aniya sa kanilang rekord nitong nakalipas na Enero 2017, pang-apat ang lungsod ng Davao sa may pinakamaraming kaso ng murder o pagpatay habang pang-anim sa maraming kaso ng panggagahasa.

Nararapat din aniyang ideklarang ‘persona non grata’ si Trillanes sa siyudad dahil sa mga fake news na pinagsasabi nito tungkol sa Davao, hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi rin aniya nila matukoy ngayon kung ano ang motibo ng senador sa mga pahayag nito.

Sa huli, hinikayat na lang ni Cascolan si Trillanes na humingi ng mga datos sa PNP at kanila itong bibigyan nang sa gayo ay maging tama ang mga datos nitong sasabihin sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?