56

Aug 20, 2020 @ 16:04
By

Statement jersey ni Clarkson, Filipino sana – Cabagnot

May isang kahilingan si Alex Cabagnot kay Utah Jazz sixth man Jordan Clarkson.

Ito’y sana magamit ang wikang Filipino sa statement jersey ng may dugong Pinoy na NBA player.

“It would be cool if @JordanClarksons would have a filipino word behind his jersey,” saad ng San Miguel lead guard.

Nitong Huwebes ay gumawa ng ingay si Clarkson para tulungan ang Jazz na maitabla ang serye kontra Denver Nuggets, 124-105.

Sa nasabing laro, kumamada si Clarkson ng playoff career-high na 26 points, kasama pa ang four rebounds at three assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?