19

State of calamity idineklara sa El Nido, Palawan

Sharing is caring!

Idineklara ang state of calamity sa El Nido, Palawan matapos ang halos isang linggong malakas na pag-ulan sa naturang lalawigan.

Sa ipinalabas na advisory, sinabi ng Philippine Information Agency (PIA)-Mimaropa na nagsilikas na ang ilang pamilya sa kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha doon.

Ilan sa lumubog sa baha ay ang mga barangay ng Villa Libertad, Bucana, Masagana, New Ibajay at Aberawan.

Nauna nang nagdeklara ang state of calamity ang Occidental Mindoro matapos malubog sa tubig ang 11 barangay sa bayan ng Mamburao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?