galeria-victoria

State of calamity idineklara na sa Balanga dahil sa mahigit 2 araw na sunog

Sharing is caring!

Mahigit dalawang araw na tumagal ang sunog sa isang mall sa Balanga City sa Bataan.

Kanina nanatili sa ika-limang alarma ang nasabing sunog sa Robinson’s Mall na nagsimula noon pang Mayo 1 ng alas-nuwebe ng umaga.

Ayon kay Fire Superintendent Marilyn Buslig sa panayam sa radyo, nakontrol na ang apoy sa ikatlong palapag ng Robinson’s Galleria Victoria mall pero kinabukasan patuloy na nagliyab ito at kumalat sa main building.

Dahil sa makapal na usok galing sa gusali, napilitang magsara ang mga tindahan sa lugar at ilan pang establisyimento.

Aniya, nagsimula ang apoy sa stockroom ng ikalawang palapag at kumalat sa 3rd floor.

Rumesponde na rin ang ilang bumbero mula sa 11 bayan ng Bataan at maging sa Subic at Lubao, Pampanga.

Sa kabila nito, kaninang tanghali lang nakontrol ang sunog pero hindi pa umano fireout, ayon kay F/C Insp. Jaime Robles ng BFP Balanga.

Dahil sa mahigit dalawang araw na sunog, idineklara nang under state of calamity ang buong Balanga para na rin umano mapabilis ang pagpapalabas ng emergency assistance sa lahat ng apektado sa sunog sa Galleria Victoria mall.

Sa ngayon iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at halaga ng pinsala nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?