58

Dec 9, 2017 @ 16:47

State of emergency, idineklara na sa California dahil sa wildfire

Nagdeklara na ng state of emergency si US President Donald Trump sa California dahil sa patuloy na pagdingas ng wildfire sa katimugang bahagi nito.

Ang deklarasyon na ito ay magbibigay ng tulong mula sa Department of Homeland Security at Federal Emergency Management Agency para makatulong ng local government na makasalba ng buhay at ari-arian.

Nasa ikalimang araw na ngayon ang wildfire sa katimugang bahagi ng California kung saan marami na ang nawalan ng tirahan.

Nag-isyu na ang mga otoridad ng evacuation orders para sa higit 100,000 na katao.

Ipinakalat na rin ang mahigit limang libong bumbero sa California para magtulong na mapigilan ang pagkalat pa ng apoy na pinalalaki ng hangin mula sa kanluran.

Nagsaboy na rin ang mga bumbero ng tubig at fire retardants sa malaking apoy ngunit nagpapatuloy pa rin ang pagkalat nito sa mga highway, riles ng tren at iba pang mga kabahayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?