70

By

Stars ni Cezar, ingat sa Supremos

Sharing is caring!

Mga Laro sa Martes:

(Yñares Center Antipolo)

7 p.m. – Caloocan vs Manila

9 p.m. – Rizal vs Navotas

Patungong Antipolo ang Manila Stars ngayong Martes, Setyembre 11 para ipagpatuloy ang kanilang kampanya sa MPBL Datu Cup kasama ang tatlo pang tropa na sisikwat din ng panalo para masiguro ang kanilang kampanya sa liga.

Makakaharap ng Manila Robust Energy Capsule ang Caloocan Supremos-Longrich sa unang laro habang susundan agad ng Rizal Cruzaders-Xentro Mall at Navotas Clutch.

Nakasikwat na ng anim na panalo sa pitong laro ang Stars sa pangunguna ni PBA legend Philip Cezar, kasosyo nito ang Mandaluyong El Tigre, San Juan Knights at Bataan Risers sa North Division.

Pero kung si coach Cezar ang tatanungin, ayaw niyang magpakampante kontra Supremos, na natikman ang apat na sunod na pagkatalo.

“Yun ang nakakatakot kalaban, yung mga nasa ilalim na kung maglaro parang walang mawawala sa kanila,” ani Cezar. “Kailangan disiplinado kami.”

Sa kabilang panig naman, susubukang bumangon ng Rizal at Navotas matapos ang pagkatalo.

Bibit ng Clutch ang 3-4 win-loss record nang matalo sa Marikina Shoemasters 80-76. Puntirya nitong makabawi sa paghaharap kontra Crusaders.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?