50

Jan 9, 2022 @ 15:30
By

Starmall nangakong ‘di pababayaan mga tenant

Nangako ang pamunuan ng Starmall Alabang sa kanilang mga tenant na naapektuhan ng sunog sa mall nitong Sabado na hindi nila iiwanan sa ere ang mga ito habang umaandar ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Lampas 16 oras na apoy ang tumupok sa Starmall nitong Sabado, ngunit hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

Sa inisyal na taya, aabot sa P100 milyon ang halaga ng naabo na ari-arian, ngunit sa kabila ng laki ng sunog ay wala namang nasawi.

Gayunman, humingi ng pasensya ang Starmall sa mga nasunugang tenant.

“For our tenants, proper coordination will be made to look into your concerns. We appeal for your patience and understanding as we wait for the results of the BFP investigation,” saad sa statement ng mall nitong Linggo.

Nagpasalamat naman ang Starmall sa lahat ng bumbero at fire volunteer na tumulong na maapula ang sunog.

Bukod pa rito, nangako ang pamunuan ng mall sa mga masugid nitong kustomer na muli silang babangon sa pagsubok na kinaharap. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?