34

Dec 11, 2017 @ 16:00

Star Wars: The Last Jedi mapapanood na sa Dec. 13

Tatlong araw matapos magbukas sa US, mapapanood naman sa mga sinehan sa Pilipinas ang Star Wars: The Last Jedi sa December 13.

Pinapayuhan ang mga fans na bumili ba ng maaga ng kanilang mga tickets sa kanilang paboritong sinehan para matiyak na hindi mami-miss ang pelikulang ito

Nauna nang nagsagawa ng premieres ang The Last Jedi sa Tokyo at sa Los Angeles.

Naglabas na ang Lucasfilm ng dalawang featurettes para mapanood nila ang sikreto sa likod ng produksiyon ng nasabing pelikula

Sa featurette na “The World of The Last Jedi” makikita doon ang pag-explore ng real-world locations sa likod ng mga bagong planeta sa naturang istorya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?