Star Wars, magkakaroon ng trilogy at TV series

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Disney ang plano na magkaroon ng Star Wars film trilogy at ng isang TV series.

“We have big ambitions for the Star Wars franchise,” ani Disney chief executive Robert Iger sa AFP News.

Nagkaroon na umano ng kasunduan ang Disney kay Rian Johnson, direktor ng upcoming film na “The Last Jedi”, na gumawa na ng bagong trilogy.

Nakaplano na rin umano, ayon kay Iger, ang isang live-action series na Star Wars, na unang live-action show ng Disney.

Ito’y sa kabila na rin ng tagumpay ng dalawang naunang Star Wars films.

Naniniwala naman ang Disney na magiging ‘hit’ ang ‘The Last Jedi’ na malapit nang mag-showing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?