39

Dec 26, 2017 @ 14:50

‘Star Wars: The Last Jedi’ patuloy ang dominasyon sa movie world

Patuloy ang dominasyon sa movie world ng ‘Star Wars: The Last Jedi’ at inaasahang wawalisin ang tatlo pang bagong labas na pelikula.

Inaasahang tutuntong na ang kita ng ika-walong installment nito sa $69 milyon nitong linggo, ayon sa Disney.

Pumangalawa ang ‘Jumanji: Welcome to the Jungle’ ng Sony na mayroon nang $34 milyon.

Pangatlo naman ang ‘Pitch Perfect 3’ ng Universal na may opening sales na $20.4 milyon.

Sumunod dito ang ‘The Greatest Showman’ ng Fox na may bentang $8.6 milyon.

Ang kabuuang kita ng tatlong bagong labas na pelikula na ito ay mas mababa kumpara sa ‘The Last Jedi’ mula nang magbukas sa mga sinehan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?