244

Star Hotshots, tatawagin nang ‘Magnolia Hotshots’ sa PBA

Sharing is caring!

Ibang pangalan na ang ibabandera ng Star Hotshots sa 2017-18 PBA season.

Tatawagin na silang ‘Magnolia Hotshots’ o ‘Pambansang Manok’ kung saan itinurn-over na ng Star ang team sa Magnolia.

Sinabi rin ito ni Commissioner Chito Narvasa sa kanyang Twitter account.

@TheRealKume, “Purefoods fans might love or hate. Their team will now be called Magnolia Hotshots.”

Parehong kulay umano ang uniporme o jersey na susuutin ng players pero iba na ang logo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?