Standhardinger taas-noo kahit talo

Sharing is caring!

Talo pero taas-noo.

Walang pagsisisi o panghihinayang si Filipino-German basketball player Christian Standhardinger sa kampanya ng kanyang Hong Kong Eastern kahit nabigo sa San Miguel-Alab Pilipinas sa best-of-three semifinal series ng ASEAN Basketball League Linggo ng gabi.

“I am proud to be part of the team, of Hong Kong Eastern. This team is great. I have new brothers, I have a coach who’s a great coach and more importantly a great human being. Everything was professional and it was a family,” kwento ng 28-anyos na basketbolista, bagama’t nabigong tulungan ang koponan na maka-back-to-back title sa naturang torneo.

Isa pa rin si Standhardinger sa mga pinagpipilian para sa MVP award ng liga makaraang magposte ng 22.8 puntos at 11.9 rebounds game averages.

Pero hindi mahalaga sa manlalaro ang individual award. Higit dito, kampeonato sana ang target ni Standhardinger. “With all my heart, I believed that we can win the championship. I feel like we could have won the whole thing,” dagdag nito.

Kumabayo ang Alab Pilipinas ng 79-72 victory sa Game 2 ng semis upang walisin ang HK Eastern ni Standhardinger, na nakatakda nang maglaro para sa San Miguel Beermen sa midseason tourney PBA Commissioner’s Cup simula April 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?