355

By

Standhardinger pinamigay ng SMB kapalit ni Tautuaa

Laglag na sa roster ng San Miguel Beer si Christian Standhardinger, ayon sa anunsiyo ng PBA.

Pinamigay ng Beermen ang Fil-German forward sa Northport para makuha si Mo Tautuaa para sa kanilang Grand Slam bid sa 2019 PBA Governors’ Cup.

Unang sasabak bilang NorthPort player si C-Stan sa October 23 kung saan haharapin nila ang dati niyang koponan na San Miguel.

Samantala, reresponde naman para sa Beemen si Tautuaa sa Linggo (October 20) laban sa Columbian Dyip.

Magugunitang nakuha ng SMB si Standhardinger sa kontrobersiyal na trade noong 2017 sa Columbian.

Si Tautuaa naman ang first pick ng TNT noong 2015 at nai-trade sa Batang Pier para kay Terrence Romeo.

Ngayon ay magkakasama na sina Mo at Terrence sa San Miguel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?