40

By

Standhardinger, NorthPort pinatirik ang NLEX

Bumawi si Christian Standhardinger mula sa pagkakapatalsik sa huli nitong laro upang bitbitin ang NorthPort Batang Pier sa importanteng 102-94 panalo kontra sa nangungunang NLEX Road Warriors sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si Standhardinger ng 23 puntos, 19 rebounds, dalawang assists at isang steal kung saan namuno ito sa ikatlong yugto na nagawang bumangon ng Batang Pier sa 15 puntos na pagkakaiwan upang masungkit ang ikaapat na panalo sa loob ng 10 laro.

“We did a great job sticking to our defense. It is a great job from my teammates and it will be a good sign of a winning culture,” sabi ni Standhardinger, kung saan nagawa ng Batang Pier na ihulog ang kabuuang 38 puntos sa ikatlong yugto habang nilimitahan ang Road Warriors sa 27 puntos lamang.

Nagdagdag naman si import Michael Qualls ng 36 puntos, 11 rebounds, 5 assists, 2 steals at 2 blocks.

Nahulog ang NLEX sa kabuuang 8-2 panalo-talong record.

“Maganda ang nangyari dahil napunta sa amin ang mga break,” sabi ni NorthPort coach Pido Jarencio ukol sa panalo na nagpanatiling buhay sa tsansa nito na awtomatikong makapasok sa quarterfinals.

Isinalpak ni Harris ang 15 sa kabuuang 22 puntos ng Road Warriors sa pagsisimula ng first quarter upang agad na kontrolin ang laro kontra sa puno ng injury na Batang Pier.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?