88

Dec 21, 2017 @ 17:59

Standhardinger may double-double sa pagdomina ng HK Eastern Lions sa Slingers

Nagtala si Fil-German Christian Standhardinger ng double-double sa patuloy na pananalasa ng Hong Kong Eastern at pataubin ang Singapore Slingers, 82-79, sa Southorn Stadium sa Hong Kong.

Ito na ang pitong sunod na panalo ng HK Eastern sa 2017-2018 Asean Basketball League (ABL).

May naiposteng 16 points, 13 rebounds, apat na steals at dalawang blocks si Standhardinger para sa Eastern.

Nananatiling malinis pa ang kartada ng HK Eastern nakapako sa tuktok ng standings.

Nakatapos naman ng 20 points at 12 assists si Xavier Alexander habang si Fil-Canadian AJ Mandani ay umiskor ng 16 points para sa Slingers na bumagsak sa 3-4 win-loss slate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?