66
leo-austria1
By

Standhardinger lalabas ang bangis sa NorthPort – Austria

Sigurado si San Miguel coach na si Leo Austria, mas lalakas ang kanilang 2017 top pick na si Christian Standhardinger ngayong wala na ito sa kanilang poder.

Ayon kay Austria, mas maipapamalas ni Standhardinger ang kanyang angas sa NorthPort kaysa sa talent-laden na SMB, lalo pa’t nakawala na ito bilang second option para kay five-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.

“I’m sure maipapakita niya yung full potential niya,” ayon kay Austria, bagong sahog sa kanilang koponan si Moala Tautuaa sa palitan ng tao.

“Christian helped us a lot in winning the last two championships, especially in the last conference where he played solid defense against [Terrence] Jones,” aniya pa.

Ipinaliwanag din ni Austria na hindi niya mabigyan ng maraming minuto ang Fil-German dahil mas pinapahalagahan umano nito ng chemistry.

“I’m really sad that sometimes I couldn’t give him the minutes that he deserves. Never nag-exceed ng 30 minutes ang playing time niya eh,” saad niya pa.

“But that’s because of the chemistry of the team. From the beginning naman, after ako sa chemistry.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?