93

Nov 5, 2017 @ 11:34

Standhardinger kontra Alab Pilipinas

Makikilatis sa harapan ng Pinoy cage fans ang kontrober­syal na si Christian Standhardinger sa pagbalat ng Tanduay Alab Pilipinas ng kampanya sa 7th ASEAN Basketball League 2017-18 sa Linggo, Nob. 19 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Pero hindi siya sa Alab lalaro kundi sa kalabang Hong Kong Eastern Lions sa alas-otso ng gabi, na ayon kahapon kay Alab team owner Charlie Dy ay libre sa publiko.

Nakakontrata pa ng anim na buwan ang 6-foot-8 Fil-German at Gilas Pilipinas standout sa ­Lions mula sa buwang ito hanggang Abril 2018.

Una siyang nasilayan sa dalawang torneo na sinabakan ng ‘Pinas sa 29th FIBA Asia Cup 2017 noong Aug. 8-20 sa Lebanon at 29th Southeast Asian Games 2017 sa Malaysia noong Aug. 20-26.

Pero naging kontrobersya si Standhardinger nang i-trade ng Kia kapalit ng apat na players ng San Miguel Beer at naging top pick sa 33rd PBA Rookie Draft nitong Oct. 29, ugat na nahati ang 12 league governors para kay Commissioner­ Chito Narvasa na nag-aprubra sa swap.

Galit-galit muna tuloy ang mga Pinoy at si Standhardinger, makakaharap niya sina league reigning MVP Bobby Ray Parks, Jr. at ang mga debutante sa Alab na sina Dondon Hontiveros at coach Jimmy Alapag.

Gilas assistant coach ni Standhardinger si Alapag sa SEAG Games. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?