14

By

Standhardinger kayod-kalabaw, sinungkit ang Player of the Week award

Sharing is caring!

Tila hindi uso ang salitang kapaguran para kay Christian Standhardinger.

Iniuwi ng San Miguel rookie ang kanyang kauna-unahang Cignal-Press Corps Player of the Week Award sa kanyang karera, matapos ang kanyang magandang simula niya sa kumperensya ng 2018 Governors’ Cup laban sa NLEX.

Kaagad naglaro ang 6-foot-8 big man para sa San Miguel pagkarating niya sa Smart-Araneta Coliseum, ilang oras lamang pagkatapos makalapag ang eroplano sa Manila kasunod ang kanyang paninilbihan para sa Gilas Pilipinas noong nakaraang Asian Games sa Indonesia.

Pinunan naman ni Standhardinger ang pagkawala ng SMB star na si Junemar Fajardo na nagtamo ng shin fracture kung saan mawawala siya ng dalawang buwan.

Naging dominante si Standhardinger buong laro, matapos siyang magtala ng kanyang career-high 36 points at 11 rebounds upang tulungan ang Beermen talunin ang Road Warriors, 125-112 noong Sabado.

Nanalo si Standhardinger ng Player of the Week laban kila Japeth Aguilar ng Ginebra, Mark Barroca, Jio Jalalon at Rome dela Rosa ng Magnolia, Jason Perkins ng Phoenix, Jayson Castro ng TNT at Ken Ighalo ng NLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?