79
standhardinger1
May 9, 2018 @ 16:49

Standhardinger kakaliskisan ng Meralco Bolts

Makikita na sa wakas ng Beermen fans si Christian Standhardinger na maglaro kasama sina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Marcio Lassiter at Chris Ross.

Mangyayari ito mamayang alas-siyete ng gabi (Mayo 9) sa pagharap ng SMB sa Meralco Bolts sa una nitong laban sa Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Ang 6-foot-8 na si Standhardinger ang No. 1 pick sa nakaraang PBA Draft na bumagsak sa Beermen.

Iraragasa na rin ng Beermen ang import nilang si Troy Gillenwater.

Kagagaling lang ng San Miguel sa kampeonato kung saan inuwi ng koponan ang ika-apat na nilang sunod na Philippine Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?