91

By

Standhardinger inindyan ang NorthPort

Kung sa Moala Tautuaa ay enjoy na sa kanyang ensayo sa bagong koponan na San Miguel Beermen, iba naman ang nangyari sa kampo ng NorthPort Batang Pier.

Inaasahan na mag-ensayo na si Standhardinger NorthPort nitong Martes, ngunit kahit anino nito ay hindi naaninag sa gym.

Saad ni NorthPort team manager Bonnie Tan, posibleng sa susunod na araw pa makapunta ang Fil-German sa kanilang ensayo.

“Hopefully, tomorrow,” ayon kay Tan.

Posibleng unang salang ni Standhardinger sa bagong koponan ay kontra San Miguel pa, na mangyayari sa Oktubre 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?