0
views

By

Standhardinger ikakasa vs Alaska sa semifinals

Sharing is caring!

KASADO ang rematch ng San Miguel Beer at Alaska sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Hindi sinayang ng No. 2 seed Aces ang twice-to-beat advantage, nauna sa final four nang kunin sa isang bigwasan lang ang No. 7 Magnolia 89-78 noong July 10.

Dumaan sa best-of-three series ang Beermen, winalis sa dalawang laro ang TNT KaTropa 121-110 at 106-102.

Noong 2016, nagtagpo ang SMB at Alaska sa championship ng Philippine Cup. Abot-kamay na ng Aces ang titulo nang ekisan ang unang tatlong laro ng race-to-four series, pero itinagay ng San Miguel ang sumunod na apat.

“It will be a tough series,” pag-amin ni Austria Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. “With their import that is really fitted with them, they’re playing inspired game.”

Sa huling dalawang laro ay ibinalik ng Alaska si Diamon Simpson, naggiya sa Aces sa titulo ng 2010 Fiesta Conference laban sa SMB.

Walang Calvin Abueva ang Aces na binagsakan ng management ng indefinite suspension, pero may Vic Manuel sila na tuloy-tuloy ang ganda ng inilalaro.

Naka-11 straight games nang tumatapos si Manuel ng 20 points o higit pa.
“They’re very dangerous, lalo na ang ganda ng nilalaro ni Muscle Man (Manuel),” dagdag ni Austria.

Si Gabe Freeman ang import ng SMB nang huling makatapat sa series ni Simpson. Ngayon ay mapapalaban siya sa eksplosibo at masipag ding si Renaldo Balkman. May June Mar Fajardo pa si Austria, posibleng lumaro na rin sa series si Christian Standhardinger na galing sa knee injury.

“Kailangan namin paghandaan kasi ang ganda ng nilalaro ng Alaska ngayon,” pakli ni Fajardo. “Siguro maii-stop nila ako pero meron naman kaming ibang players na iiskor.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?