80

By

Standhardinger hindi pa nakakapirma sa SMB

Sharing is caring!

Halos lahat ng first rounders sa nakaraang PBA draft ay nakapirma na o siguradong papipirmahin sa mga kontrata ng teams na kumuha sa kanila.

Tanging si Christian Standhardinger, ginawang top overall pick ng San Miguel Beer, na lamang ang hindi pa nakakapirma dahil sa kanyang buhay na kontrata sa Hong Kong Eas­tern Lions. Pero sigurado ring makakakuha ng ma­ximum monthly salary sa SMB.

Naunahan pa ang 6-8 Fil-German nila Kiefer Ravena, Raymar Jose at Jason Perkins na inilagay na ang kanilang pangalan sa mga kontrata na magbibigay sa kanila ng maximum monthly pay para sa rookie.

Base sa regulasyon ng liga, ang isang roo­kie ay puwedeng tumanggap ng monthly pay na P150,000 para sa unang taon P225,000 sa pangalawa at P337,500 sa pangatlo at huling taon o total na P8.55 million.

Ganoon ang mga nakuhang kontrata nila Ravena mula sa NLEX, Jose sa Blackwater at Perkins sa Phoenix. (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }