193

Apr 16, 2019 @ 21:36
By

Standhardinger, Abueva, Kramer pinagmulta ng PBA

Kapwa pinatawan ng multa sina Christian Standhardinger, Calvin Abueva at Doug Kramer kaugnay sa nangyaring pisikalan sa Game 2 ng 2019 PBA Philippine Cup semifinals kung saan nanalo ang Beermen kontra Phoenix, 92-82, Lunes ng gabi.

Sinampal si Standhardinger ng P20,000 na multa dahil sa flagrant foul penalty 2 niya matapos masipa sa mukha si Abueva.

Nakaiwas sa suspensiyon si Standhardinger at inatasan na lang na mag-community service at makibahagi sa homecourt program ng liga.

Ayon sa PBA, ito umano ay dahil aksidente lang ang pagkakasipa ng SMB big man kay Abueva.

Samantala, pinagbayad naman si The Beast ng P15,000 na multa dahil sa paulit-ulit na pag-dirty finger nito na nakunan ng camera.

Maging ang kakampi niyang si Kramer ay pinaluwa rin ng P5,000 dahil naman sa flagrant foul penalty 1 matapos sikuhin si June Mar Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?