57
drug-test-res
Jun 2, 2018 @ 19:38
By

Standard drug testing sa UAAP, NCAA, PNG, Palarong Pambansa

Ipinaalala sa publiko ni House Committee on Youth and Sports Development chairman at Leyte 2nd District Representative Henry Ong ang nilagdaang kasulatan sa Anti-Doping Convention noong October 19, 2005.

Taong 2007 ng Pebrero ay nagkabisa ang nilagdaang convention at niratipika naman ng Senado noong March 17, 2010.

Aniya, dapat na ipinatutupad sa Pilipinas ang International Convention on Anti-Doping sa Sports.

“Bukod pa sa mga batas ng bansa kontra illegal na droga at drug abuse, kasama dapat ang UAAP, NCAA, Palarong Pambansa, Philippine National Games, at iba pang mga paligsahang pampalakasan sa mga patakaran kontra sa paggamit ng performance-enhancing drugs,” diin ni Ong.

“Kung hahayaan nating makalusot ang mga gumagamit ng performance-enhancing drugs sa ating mga lokal na kompetisyon, nanganganib ang kanilang kalusugan at buhay. Maaari ding mabalewala ang panalo ng ating mga pambato kung sakaling sa international competitions pa sila mabubuking,” dagdag ni Ong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?