26

Jan 17, 2020 @ 17:51
By

Stalzer muling paparada sa F2

Nagbabalik sa F2 Logistics Cargo Movers si American reinforcement Lindsey Stalzer na ibabandera ang koponan sa Philippine SuperLiga Grand Prix na magsisimula ngayong Pebrero.

Sa Facebook account ng Cargo Movers, ipinakita ng mga ito ang pagdating ng power spiker sa bansa.

Kumpara sa ibang koponan sa liga na sumailalim sa revamp, solid parin ang line-up ng Cargo Movers sa pangunguna nina Aby Maraño, Majoy Baron, Kianna Dy, Ara Galang, Dawn Macandili at iba pa.

Noong nakaraang Grand Prix, tanging silver medal lang ang nasungkit ng Cargo Movers matapos hindi magwagi kontra Petron Blaze Spikers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?