150

Dec 22, 2017 @ 16:10
By

Stallone inakusahan ng 2 babae ng panghahalay

Kabilang na ngayon ang Hollywood actor na si Sylvester Stallone na iniimbestigahan dahil sa accusations of sexual misconduct.

May isang alleged female victim na nag-file ng official complaint laban kay Stallone. Claim ng 50-year old woman na in-assault siya ng aktor noong November 17, 1990 sa isang office sa Santa Monica, California.

Pero tila mahihirapan ang mga mag-iimbestiga rito dahil ang tinatawag na ‘statute of limitation’ ay natapos na. Ang complaint for sexual assault or battery ay dapat pina-file within ten years of the alleged incident taking place.

Pero dahil kasama sa complaint ang sexual misconduct, mare-reconsider ang kaso ng nag-file.

Ayon sa attorney ni Stallone na si Martin Singer, false claim daw ang inihain ng naturang babae at handa silang mag-file ng legal action kapag natapos na ang imbestigasyon.

Nag-deny na rin si Stallone sa claim ng babaeng ito, though inamin ng aktor na nakasama niya ng tatlong araw ang naturang babae habang nagsu-shooting siya ng pelikula sa Israel noong 1987. Kaya ‘yung taong 1990 ay hindi raw totoo.

Pero may isa pang unnamed woman na nag-file ng complaint kay Stallone dahil sa panghahalay sa kanya ng aktor at ng mga bodyguards nito.

Sa kuwento ng babae, 16-years old siya noong una niyang makilala si Stallone sa set ng pelikulang Over The Top sa Las Vegas. Inimbitahan daw siya ng aktor sa kanyang hotel suite kung saan hinalay siya ni Stallone at ng mga bodyguards nito.

Noong time daw na iyon ay takot na takot ang babae kaya hindi siya nag-file ng reklamo sa local authorities kaya walang kaso na naka-file laban kay Stallone. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?